Archive for the ‘tamang emo’ Category

Athena Was it because Paris chose Aphrodite that your heart became brittle and your soul, once radiating with all the colors of the rainbow slowly bled into black? Was it because you weren’t chosen, that you exchanged your wisdom and strength for bloodlust and revenge? But Athena, it wasn’t your fault that your sister was [...]

Dear Lord, I’m tired. My heart is restless, and my spirit is weary. My eyes feel heavy, and my head is threatening to shut down. Every where around me, there are dragons breathing fire down my neck, and there are black knights pointing sharp swords at my heart. I’m very, very tired. Every time I [...]

Paano mo bubuuhin ang Nawasak kong puso? Paano mo pupulutin Ang bawat piraso, Kung nakasaboy ito sa lupa Na parang bubog ng nabasag Na salamin? Dadamputin mo ba ang Ang bawat matalim na bubog, Kahit alam mong maaari ka ding Masugatan? Ididikit mo ba ang bawat piraso Kahit alam mong maaaring Matagal Bago mo ito [...]

Kalakip po ng sulat na ito ang lahat ng papeles at property rights sa binili ko sa aisle 4. Nandito po ang titolo, at lahat ng freebies na kasama nung binili ko siya. Mula sa araw na ito, hindi na po ako ang nagmamay-ari sa kanya. Iiwan ko na po ulit siya dyan sa tindahan mo, at kinikitil ko na ang lahat ng ugnayan namin dalawa. Pinuputol ko na ang anumang tali ang nagkokonekta sa aming dalawa.

“Karren, you are a complicated girl. What is it that you really want?”

Ito ang minungkahi sa akin ni Ma’am Nerisa Del Carmen Guevara habang nag-uusap kami tungkol sa mga bagay-bagay sa mundong ibabaw. Naalala ko may sinasabi ako nun eh, tapos bigla siyang sumabat, at yan ang sinabi niya. Pero simulan natin sa umpisa ang kwento.

Ratsada lang. Bukas kasi magpapasa na ako ng application ko sa UST. Go, Growling Tigers.  Bukas, isasabak ko na ang buong pagkatao ko para sa pangarap ko. Sugod na to. SUGOD. Sabi ni Sir Ferdie, may mga klase pa daw na hindi naipamimigay sa mga guro, at kinonfirm naman ni Ma’am Joyce ang impormasyon na [...]

Naalala ko yung mga panahong naglalakad tayo papunta’t pabalik sa Faculty Room. Akyat-manaog tayo sa matarik na hagdanan ng AB Building. Bitbit ko ang bag at mga libro mo, at ikaw, hawak mo ang kamay. Makinis ang palad mo. Parang niliha na ng mga nakalipas na taon ang lahat ng magagaspang na kalyo. Baliko man ang mga daliri mo, pirmi ang hawak mo sa kamay ko. Buo. Magtatanong ako tungkol sa araw mo, at ikaw, kukumustahin ang araw namin ng mga kaklase ko. Kapag may sinumbong ako, may nakahanda ka nang payo o sermon. Pero kahit sermon pa yan, napaka-hinhin parin ng boses mo. At nakangiti ka parin.

Parang hindi ko alam kung tuloy kung sinong gumagabay kanino.

Nakita ko ang Forever sa jeep.