Archive for the ‘ako bilang titser’ Category

Dear Lord, I’m tired. My heart is restless, and my spirit is weary. My eyes feel heavy, and my head is threatening to shut down. Every where around me, there are dragons breathing fire down my neck, and there are black knights pointing sharp swords at my heart. I’m very, very tired. Every time I [...]

29 May 2011 The lights are out and my door is locked. In the background, a slow song keeps playing on a never-ending loop. Outside, rain patters softly on the rooftops, and the wind, ever present, breeze through the open blinds of my window and into my room before settling onto me. I close my eyes and [...]

Lagi kong sinasabi noon na ang buhay, isang mahabang paglalakbay. Meron kang destinasyon, at yun ang target mong puntahan, pero lagi kong pinapayo sa mga tao at sa sarili ko na mas importante ang paglalakbay kaysa sa destinasyon. Ngayon naman, naisip ko, ang buhay, parang isang malaking paaralan, at ang lahat ng makakasalamuha mo, mga kaklase [...]

Ang cute talaga ng social networking sites, kung minsan ano? Naturingan adik ako sa Facebook, at paminsan, Twitter, kaya kapag may libre akong oras (o kahit wala hahaha), magbababad ako dun. Dati nung hindi pa ako titser at madami pa akong libreng oras, ugali kong magbasa ng mga post sa mga wall ng tao. Subukan [...]

Ano kasi eh… Ganito yun… Nagtuturo ako ng ‘music’ kanina sa mga klase ko. Mangyari lang na nagkakatanungan kami kung ano ang depinisyon ng musika para sa kanila. Mga chever ba, para sa lesson. Siyempre natuwa naman ako sa mga sagot ng mga bagets ko.. At pagkatapos nila mag-share ng mga saloobin nila, eh nag-flash [...]

“Karren, you are a complicated girl. What is it that you really want?”

Ito ang minungkahi sa akin ni Ma’am Nerisa Del Carmen Guevara habang nag-uusap kami tungkol sa mga bagay-bagay sa mundong ibabaw. Naalala ko may sinasabi ako nun eh, tapos bigla siyang sumabat, at yan ang sinabi niya. Pero simulan natin sa umpisa ang kwento.

Ratsada lang. Bukas kasi magpapasa na ako ng application ko sa UST. Go, Growling Tigers.  Bukas, isasabak ko na ang buong pagkatao ko para sa pangarap ko. Sugod na to. SUGOD. Sabi ni Sir Ferdie, may mga klase pa daw na hindi naipamimigay sa mga guro, at kinonfirm naman ni Ma’am Joyce ang impormasyon na [...]

Naalala ko yung mga panahong naglalakad tayo papunta’t pabalik sa Faculty Room. Akyat-manaog tayo sa matarik na hagdanan ng AB Building. Bitbit ko ang bag at mga libro mo, at ikaw, hawak mo ang kamay. Makinis ang palad mo. Parang niliha na ng mga nakalipas na taon ang lahat ng magagaspang na kalyo. Baliko man ang mga daliri mo, pirmi ang hawak mo sa kamay ko. Buo. Magtatanong ako tungkol sa araw mo, at ikaw, kukumustahin ang araw namin ng mga kaklase ko. Kapag may sinumbong ako, may nakahanda ka nang payo o sermon. Pero kahit sermon pa yan, napaka-hinhin parin ng boses mo. At nakangiti ka parin.

Parang hindi ko alam kung tuloy kung sinong gumagabay kanino.