Ako ang Balahurang Tensai

Tinatanong ako ng mga tao kung saan nanggaling ang ‘Ore wa tensai’.

Ito ay salitang Hapon na nangangahulugang ‘Henyo ako’. Yun lang, sa lenggwahe ng mga hapon, ang pagtukoy sa sarili ay naiiba para sa lalaki at babae.  ‘Ore wa’ para sa lalaki, at ‘Watashi wa’ para sa babae.

Kung gayon, bakit hindi, ‘Watashi wa tensai’ ang lagi kong sinasabi? Hindi po ako lalaki. Hindi din ako bakla-kla-kla-kla-kla-kla. Oo, minsan may mga panahong asal lalaki ako, pero naturingang babae po ako. Promise.

Tumatak ang ‘ore wa tensai’ sa utak ko, dahil sa isang butangerong basketbolistang nangangalang Sakuragi Hanamichi. Sa Slam Dunk. Panoorin niyo, nakaka-adik. Elibs ako kay Kuya kasi kahit may mga panahong puro hangin ang pagdedeklara niya na henyo siya, pilit niya itong pinapanindigan.

Elibs ako sa fighting spirit ni Sakuragi.

Ginamit ko ang ‘ore wa tensai’ dahil naniniwala akong henyo ako.

Payabangan lang, bakit? Masama? Joke.

Sana mag-enjoy ka sa pagbisita mo dito sa mumunti kong mundo.

Comments
  1. rubie says:

    napanood ko din yun :) )) lahat non. hahaha :P

  2. mac sola says:

    winner bostsip!!! pwede mong gamitin ang motto ko…

    ang yaman nauubos… ang YABANG hindi!!! bwahahaha :P

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s